2 babae, tinambangan sa Los Baños Laguna

 

Sugatan ang dalawang babae makaraan silang paputukan ng mga suspek na lulan ng motorsiklo sa Los Baños, Laguna Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Supt. Alex delos Santos, hepe ng Los Baños police na sina Wilma Aguinaldo, 60-taong gulang, residente ng Calamba City at Rufina Mendoza ng Los Baños, Laguna.

Sa inisyal na imbestigasyon, lulan ang mga biktima ng isang kotse at binabaybay ang bahagi ng Barangay Lalakay pasado alas 5:00 ng hapon nang dikitan ang mga ito ng riding-in-tandem at agad na pinaputukan.

Agad na dinala ang mga biktima sa pagamutan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa posibleng motibo sa likod ng tangkang pagpatay sa dalawang biktima.

Read more...