Ayon kay Alvarez, wala siyang nakikitang problema sakaling hindi ito matuloy.
Paliwanag ng pinuno ng Kamara, kung mayroong pending bill at napagkasunduang hindi ituloy ang eleksyon dadalhin ito sa Senado upang doon naman talakayin at pagbotohan.
Pahayag ito ni Alvarez sa gitna ng usapin sa posibilidad na hindi matuloy ang naturang halalan sa nakatakdang pesta nito ngayong taon.
Tatlong panukalang batas ang nakahain sa Kamara upang hindi matuloy ang halalan sa Mayo.
Kabilang dito ang inihain nina Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel at ANAC-IP Party-list Rep. Jose Panganiban Jr.