Gatchalian: Ex-PNoy walang pananagutan sa Dengvaxia controversy

Kumbinsido si Senador Win Gatchalian na walang kinalaman si dating Pangulong Noynoy Aquino sa Dengvaxia controversy

Sa isinagawang Kapihan sa Senado, sinabi ni Gatchalian na maliban sa hindi naman doktor ang dating pangulo ay lumalabas sa pagdinig na may kapabayaaan ang Department of Health sa mabilis na pagpapatupad ng pagturok ng Dengvaxia vaccine  sa mga kabataan.

Malinaw anya na hindi sinunod ng DOH ang procedures at protocol bago ipinatupad ang pagbabakuna at basta na lamang ito itinurok sa mga bata

Iginiit ni Gatchalian na malaki ang pananagutan ni dating DOH Secretary Janette Garin at maging ang dating DOH Secretary Paulyn Ubial dahil ipinagpatuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga mag-aaral noong nakaraang taon.

Inabsuwelto naman ni Gatchalian si dating DOH Secretary Enrique Ona dahil wala umanong ebidensya na magdidiin sa dating kalihim na ipinatupad nito ang proyekto sa pagbabakuna ng Dengvaxia.

Read more...