DOH naghahanda na ng class suit laban sa Sanofi Pasteur

Inutusan na ng Department of Health ang legal department nito na bumuo na ng class suit laban sa Sanofi Pasteur- ang gumawa ng kontrobersyal na anti- dengue vaccine na Dengvaxia.

Ginawa ito ni Health Sec. Francisco Duque III matapos na matanggap ang pormal na liham ni Thomas Triomphe na naninindigan na hindi nila irerefund ang P1.6 Billion na halaga ng mga nagamit na doses ng Dengvaxia vaccine at pagtanggi maglaan ng indemnification fund para sa mga magkakasakit na naturukan ng bakuna.

Ikinalukungkot ni Duque ang pagtatago ng Sanofi Pasteur sa panganib ng bakuna nito.

Matatandaan na inanunsyo lamang ng french firm ang nasabing panganib matapos na maibakuna ito sa 837,000 na mga mag-aaral ang nasabing gamot.

Bago ang anunsiyo ng Sanofi Pasteur noong November 29, 2017, walang inisyung anumang warning ang nasabing kumpanya patungkol sa Dengvaxia.

Read more...