Tinupok ng apoy ang residential area sa Barangay San Antonio, sa Quezon City.
Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Fernandez Street bago mag alas 12:00 ng tanghali.
Makalipas ang ilang minuto ay iniakyat sa 2nd alarm ang sunog.
Mabilis namang nakaresponde ang mga bumbero kaya alas 12:24 ng tanghali ay naideklarang under control na ang sunog.
Inaalam pa kung ilang bahay ang nadamay at kung ano ang pinagmulan ngapoy.
MOST READ
LATEST STORIES