P10M halaga ng mga hindi rehistradong whitening at beauty products, nakumpiska sa QC

Sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at Food and Drug Administration (FDA) ang isang condominium unit sa Tandang Sora, Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar hindi bababa sa P10 milyon halaga ng mga hindi rehistradong cosmetics and beauty products ang kanilang nadiskubre sa Unit 807 ng Cherry Orchard Suites na pag-aari ng isang Michelle Cablayan.

Aniya isinilbi nila ang search warrant na inisyu ng QC Regional Trial Court Branch 95.

Sinabi nito na ang mga produkto ay ipinagbibili online at hindi rehistrado sa FDA.

Dagdag pa ni Eleazar ang raid ay follow-up operation sa naunang magkahiwalay na raid sa mga townhouse sa Barangay Paltok at Barangay Bahay Toro kung saan naaresto ang negosyanteng si Lilian Marte at nasamsam ang iba pang mga produkto na nagkakahalaga naman ng higit P13 milyon.

Ang mga nahuli ay kakasuhan ng paglabag sa Food and Drugs Administration Act of 2009.

 

 

Read more...