9 na batang nabakunahan ng Dengvaxia naka-confine sa isang ospital sa Pampanga

DOH Photo

Nananatiling inoobserbahan ang kondisyon ng siyam na mga bata na nabakunahan ng Dengvaxia sa isang ospital sa Pampanga.

Binisita ni Department of Health (DOH) Assistant Secretary Francine Laxamana, kasama si DOH Central Luzon Regional Director Assistant Secretary Leonita Gorgolon ang mga bata na naka-confine sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando.

Ayon sa pamunuan ng ospital, simula noong December 2017, sinagot na ng ospital ang lahat ng gastusin para sa mga Dengvaxia-vaccinated patients.

Sa ngayon maayos naman ang kondisyon ng lahat ng naka-confine na pasyente.

Makikipag-ugnayan din ang DOH sa lokal na pamahalaan para matiyak na agad mabibigyan ng medical attention ang mga pasyente na makararanas na sintomas ng dengue.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...