Hinihinalang drug pusher, patay matapos manlaban sa drug buy-bust operation sa Bulacan

Patay ang isang lalake matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isang subdivision sa Brgy. Pinagkaisahan, Malolos Bulacan.

Ayon kay Superintendent Heryl Bruno, hepe ng Malolos City Police, ikinasa nila ang buy-bust operation maghahatinggabi. Nabatid na notoryus na tulak daw ng droga ang suspek.

Paliwanag ni Bruno, nagpanggap na buyer ang kanilang operatiba at bumili ng iligal na droga kay alyas Diego.

Pero nakatunog si Diego at bumunot ng kalibre 38 na baril at nagpaputok.

Nagkaroon ng enkwentro at napatay si alyas Diego.

Aabot sa 15 pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa suspek na nagkakahalaga P15,000.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...