7 Filipino na hinihinalang konektado sa IS, arestado sa Malaysia

 

Inquirer file photo

Inaresto ng Malaysian Police sa Borneo Island ang sampung katao kabilang ang 7 Filipino na hinihinalang konektado sa Islamic State (IS) at planong bumuo ng terrorist cell para sa isang kidnap-for-ransom group.

Inaakusahan din ng pulisya ang mga naaresto na tumutulong sa iba pang mga hinihinalang IS fighters na marating ang Pilipinas upang maging miyembro ng iba pang militanteng grupo dito.

Isinagawa ang mga pag-aresto nitong Enero at Pebrero sa Sabah sa Borneo na malapit sa timog na bahagi ng Pilipinas.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Malaysian National Police Chief Mohamad Fuzi Harun na ang pitong Filipino na naaresto ay kinabibilangan ng ilang mga senior members ng extremist group na Abu Sayyaf.

Ang tatlo naman ay pawang Malaysians na hindi ibinunyag ang pagkakakakilanlan.

Pinaigting ng Malaysia ang pagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga hinihinalang militante dahil sa takot na maimpluwensyahan ng IS ang mga extremists groups na maglunsad ng pag-atake sa kanilang bansa.

Read more...