Mga kritiko ni Duterte, imbitado din sa EDSA anniversary

 

Inquirer File Photo

Bukas kahit kanino, maging sa mga kritiko ng pangulo, ang magiging paggunita sa makasaysayang EDSA People Power Revolution.

Ayon sa isa sa mga organizers na si People Power Commissioner Pastor Boy Saycon, hahayaan ang lahat na makisali at sumama sa kanilang mga gagawing aktibidad na magsisimula ngayong araw na ito, February 22.

Ani Saycon, bilang commissioner ay inaanyayahan niya ang lahat na tumungo sa EDSA, kahit pa ang mga bumabatikos sa kasalukuyang administrasyon.

Imbitado rin naman aniya lahat ng mga kilalang “dilaw” tulad na lamang nina dating pangulong Noynoy Aquino, Vice President Leni Robredo at dating House Speaker Feliciano Belmonte Jr. sa commemorative activities sa February 22.

Si dating pangulong Fidel V. Ramos naman ay nakatakdang dumalo sa isang aktibidad sa Libingan ng mga Bayani sa parehong petsa.

Read more...