DOJ naghain ng petisyon sa korte, ipinadedeklara nang terorista ang CPP-NPA

Hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa Manila Regional Trial Court (RTC) na ideklara na bilang isang terrorist organization ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Si Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong ang naghain ng petition for proscription sa Manila RTC.

Ginamit na batayan ni Ong sa isinampang petisyon ang Human Security Act of 2007.

Sa ilalim ng Section 17 ng nasabing batas kinakailangang mag-apply ng DOJ ng korte bago maipadeklarang terorista ang isang grupo o organisasyon.

Ayon sa DOJ, ang mga pag-atake ng CPP-NPA laban sa mga tropa ng pamahalaan mula April hanggang December 2017 ay sapat nang rason para maideklara sila bilang mga terorista.

Noong Disyembre, nagpalabas ng proclamation order si Pangulong Rodrigo Duterte na nagdedeklata sa CPP-NPA bilang terrorist organization.

 

 

 

 

 

Read more...