Balik bansa ang panibagong batch ng ng distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Kuwait.
Ang dumating na mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport Miyerkules ng umaga ay bahagi ng 600 na mga Pilipino na inaasahang darating ngayong araw.
Ang mga Pinoy workers ay sakay ng Philippine Airlines Flight 669 nang dumating sa NAIA dakong 8:29 ng umaga.
Sinalubong sila ng mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Binigyan ang bawat isang OFW ng P5,000 na inisyal na tulong.
Ang mga walang kamag-anak sa Metro Manila ay pansamantalang patutuluyin sa OWWA shelter sa Pasay City.
Ang ahensya rin ang sasagot sa pamasahe ng mga OFW na uuwi sa mga probinsya.
Umabot na sa halos 2,000 OFWs na nag-apply ng amnesty program sa Kuwait ang umuwi na sa bansa bunsod ng mga kaso ng pag-abuso sa mga Pinoy.