Muling nakaranas ng aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ngayong umaga ng Miyerkules.
Alas 8:40 ng umaga nang pababain ang mga pasahero sa Guadalupe station northbound dahil sa nagkaproblemang tren.
Ayon sa pamunuan ng MRT, aabot sa 900 pasahero ang naapektuhan ng aberya.
Tatlong problema ang na-detect sa tren kabilang ang electrical failure sa motor, panel failure at depektibong air condition.
Dinala sa depot ang tren para kumpunuhin.
Ang mga naapektuhang pasahero naman ay pinasakay na lang sa kasunod na tren.
READ NEXT
WATCH: SP Pimentel tinulungan umano si Justice Sec. Aguirre sa case build-up vs Sen. Hontiveros
MOST READ
LATEST STORIES