Ito ay may kaugnayan sa isinapubliko ni Hontiveros na text message ng kalihim na nakuhanan ng larawan habang ito ay dumadalo sa senate hearing noong September 5, 2017.
Sa nasabing text message nakasaad ang umano ay plano ng DOJ laban sa senadora.
Ayon kay Hontiveros, kahit walang subpoena, palihim na ibinigay ni Pimentel kay Aguirre ang kopya ng personal data sheet ng kanyang consultant na si Davidde Kyle Venturillo at kanyang mga staff, kanilang identification cards, personnel records at mga larawan.
Narito ang ulat ni Ruel Perez: