Sa abiso ng POEA walang shore leaves sa mga marinong Filipino na ang sinasakyang barko ay magsasagawa ng port call sa mga bansa kung saan umiiral ang deployment ban.
Sakop din ng paalala ang mga ship manning agencies o ang mga ahensiya na nagpapasakay ng mga seafarers.
Nauna naman ng nilinaw ng POEA na hindi sakop ng kautusan ang mga Filipino seafarers na mapapadaan lang patungo sa kanilang principals sa mga bansa kung saan may umiiral na deployment ban.
Ngunit kinakailangan pa rin nilang kumuha ng clearance mula sa Overseas Workers Welfare Administration.