Graphic cigarette warning labels dapat i-display sa mga smoking area

INQUIRER FILE PHOTO

Sinabi ng isang anti-tobacco advocate na dapat ay may mga nakapaskil na ring mga graphic warnings sa mga designated smoking areas.

Ayon kay Emer Rojas, ng New Vois Asso., of the Philippines (NVAP), ito ay kabilang sa implementing rules and regulations (IRR) na inilabas ng Department of Health (DOH) kaugnay sa pagpapatupad ng Executive Order No. 26 o ang Nationwide Smoking Ban.

Aniya ang mga sinasabi niyang graphic health warnings ang mga nakikitang larawan ng mga masasamang epekto ng paninigarilyo sa mga kaha ng sigarilyo.

Sinabi nito na ang graphic health warnings ay dapat din na naka-display kung saan madalas tumatambay ang mga naninigarilyo.

Giit ni Rojas ang graphic health warnings ay paalala na maari pa talagang tigilan ang bisyo at para na rin pangalagaan ang kanilang kalusugan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...