WATCH: Gulpihan ng magkapatid sa Sampaloc, Maynila, huli sa CCTV

Kuha ni Justine Punsalang

Arestado ang magkapatid na lalaki matapos silang magbugbugan pa Barangay 573, Zone 56, Sampaloc, Maynila.

Kuhang-kuha sa CCTV ng Barangay 573 ang rambol ng magkapatid na sina Marvin at Marck Christian Batac.

Nadamay pa sa away ng dalawa ang noon ay nanood lamang sa rambol na sina alyas Jaime at Piton na kapwa nagtamo ng sugat sa katawan matapos silang mahampas ng tubo, bote, at si Pito ay naundayan pa ng saksak.

Sa kuha ng CCTV ng Barangay 573, makikita na sa pagtakbo ni Mark Christian ay naitulak nito si Jaime na siya namang napaganti, dahilan upang kuyugin ng mga kapatid na iba pa ni Mark Christian at paghahambalusin ng monoblock na upuan.

Nang maawat ay inakala nila na tapos na ang gulo. Ngunit makikita sa CCTV na bilgang bumalik si Marvin at may dalang kutsilyo saka pinagsasaksak si Pito.

Hindi naman na itinanggi pa ng magkapatid ang ginawa. Anila, dala ng impluwensya ng alak kaya nila nagawa ang krimen.

Dagdag pa ni Marvin, mayroon silang naunang alitan ni Pito dahil sa cara y cruz kaya niya ito sinaksak.

Ayon kay Barangay Captain Nestor Lopez, madalas nang gawain ng magkapatid na Batac ang panggugulo sa kanilang lugar at nasa kanilang drugs watch list rin ang mga ito.

Mahaharap ang magkapatid sa kasong physical injuries at frustrated homicide.


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...