Sa pagdinig ng House Committee on Food and Agriculture, sinabi ni NFA Administrator Jason Aquino na pagsapit ng Abril at Mayo ay mawawalan na nang tuluyan ng suplay ng bigas ang NFA.
Paliwanag nito, sa buwan pa ng Hunyo darating ang inangkat na 250,000 metric tons ng bigas.
Ayon naman kay Agriculture Secretary Manny Piñol, hindi dapat magpanic ang publiko dahil sapat pa naman suplay ng bigas sa bansa ngayon at nagkaroon lamang kalituhan sa hindi pagkakatugma ng pahayag ng amga opisyal ng D.A at NFA.
Paliwanag pa ni Piñol, nasa 96% ang self sufficiency ng bansa sa bigas at inaasahang tataas pa ito dahil mas ganadong magtanim ngayon ang mga magsasaka na magtanim.
Humaharap sa pagdinig ng kamara sina Agriculture Sec. Piñol at NFA Administrator Aquino gayundin ang kinatawan ng iba pang ahensiya ng gaya ng PNP, NBI, Landbank at Office of the Cabinet Secretary gayundin ang NEDA at ang NGO na Laban Konsyumer Inc.