Alejano: Salaysay ng mga Navy officials sa Senado dumaan sa praktis

Inquirer file photo

Naniniwala si Magdalo Rep. Gary Alejano na nagpraktis ang mga opisyal ng Philippine Navy bago humarap sa pagdinig ng Senado kaugnay sa pagbili ng frigate ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Alejano,  mayroon silang nakuhang impormasyon na ilang beses nagtungo sa Malacañang ang mga opisyal ng Philippine Navy upang mag-ensayo ng sasabihin sa pagharap sa mga senador.

Iginiit ni Alejano sa gobyerno na dapat hayaan ang mga Navy officials na magsalita sa kanilang mga nalalaman sa frigate acquisition program.

Binalaan pa nito ang administrasyon na huwag hintayin ang panahon na sa publiko maghayag ng kanilang sama ng loob ang mga miyembro ng Philippine Navy sapagkat iba anya ang paraan ng mga ito.

Gayunman, nilinaw ni Alejano na hindi niya ito inirerekomenda.

Magugunitang kasama si Alejano ng Magdalo soldiers na naglungsad ng nabigong Oakwood mutiny.

Read more...