Kukunsultahin muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tropa ng militar bago pasukin ang posibilidad na aluking muli ng peace talks ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Ayon sa pangulo, ang mga sundalo kasi ang namamatay sa pakikipaglaban sa komunistang grupo.
Sinabi ni Duterte na bumisita sa kanya kamakailan ang ilang Norwergian officials para i-explore ang posibilidad na ibalik ang peace talks.
“So I’m talking to the Communists. The Norwegian officials came here to explore the possibility of talking again. I have to consult my military people. Why? Eh sila ‘yung namamatay eh, hindi naman ako. Sabi ko, “I will talk to the military. If you would agree, I might”, ayon sa pangulo.
Sinabi pa ni Duterte na kung siya lamang ang masusunod ay ayaw na niyang pag-aksayahn ng panahon ang pakikipag-usap sa komunistang grupo.
Kasabay nito, sinabi ng pangulo na tataasan pa niya ang pagbibigay ng pabuya sa mga Lumad at CAFGU members na makapapatay ng isang rebelde.
Mula sa dating P25,000 ay gagawin niya itong P100,000 at hindi na rin daw kailangang dalhin sa kanya ang mga bangkay ng mga rebelde kundi ang kanilang mga ulo na lamang na nakalagay sa ice box.