Naghihinanakit si Senator Risa Hontiveros sa ginawa ni Senate President Koko Pimentel na pagtulong kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre hinggil sa isinampa nitong wiretapping case laban sa senadora.
Kaugnay ito sa isinapubliko ni Hontiveros na text message ng kalihim na nakuhanan ng larawan habang ito ay dumadalo sa senate hearing noong September 5, 2017.
Nakasaad sa nabanggit na text message ang umano’y plano ng DOJ laban sa senadora.
Ikinadismaya ni Hontiveros na kahit walang subpoena ay palihim na ibinigay ni Pimentel kay Aguirre ang kopya ng personal data sheet ng kanyang consultant na si David Kyle Venturillo at kanyang mga staff, kanilang identification cards, personnel records at mga pictures.
kasama din aniya dito ang footage ng buong hearing na dinadaluhan noon ni aguirre at ang buong CCTV footage ng Senado sa 5th floor, ground floor, lobby, entrance, at ang loob at labas ng elevators.