Barbers: Paglabag sa environmental laws hindi lamang limitado sa Boracay

Radyo Inquirer

Nais ngayon ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na tingnan ng DENR ang iba pang tourist destinations sa bansa.

Ayon kay Barbers, natitiyak niyang hindi lamang sa Boracay ang mga paglabag sa environmental laws kundi posibleng may ganito ring sitwasyon sa ibang tourist destinations.

Sinabi ni Barbers na dapat simulan ang clean-up operation sa lahat ng mga tourist spots upang mapanatili ang kagandahan ng lugar pati na rin ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga residente doon.

Gusto rin matiyak ni Barbers na lahat ng LGUs sa buong bansa na hindi magdudulot ng problema at polusyon sa kapaligiran ang mga business establishments na pinayagang maitayo sa mga tourist destinations gaya ng nangyayari ngayon sa Boracay.

Bagaman 50 hanggang 60 porsyento ng mga establishments sa Boracay ay nakasunod naman sa requirements, nasa 51 establisyimento naman ang pinadalhan ng notice for closure dahil sa paglabag sa Clean Water Act of 2004 dahil sa kawalan ng wastewater treatment facilities.

Pahayag ito ng mambabatas matapos masuri na may mga paglabag sa environmental laws ang ibang mga tourist spots sa bansa tulad sa Boracay.

Read more...