Biyahe ng LRT-1 nagka-aberya din

Inquirer.net file photo

Nakaranas din ng aberya sa biyahe ang mga pasahero ng Light Rail Transit-1 (LRT-1) Martes ng umaga.

Pinababa ang mga pasahero sa kasagsagan ng rush hour makaraang magkaroon ng problema ang sinasakyan nilang tren sa bahagi ng R. Papa station.

Ayon sa abiso ng LRT-1 aabot sa 120 pasahero ang apektado ng aberya.

Pumalya umano ang air pressure gauge ng isang tren at para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ay itinigil ang pagbiyahe nito dakong alas 6:00 ng umaga.

Sinabi ni Engr. Rod Bolario director ng LRT-1 operations umabot ng ang 30 minuto ang aberya at naibalik sa normal ang operasyon 6:32 ng umaga.

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng LRT-1 sa mga naapektuhang pasahero.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...