Senado bigong madiin si SAP Bong Go sa frigate deal ayon kay Pangulong Duterte

CTTO

Kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte na nabigo ang senado na maidiin si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go sa P15 billion frigate deal controversy ng Philippine Navy.

Ayon sa pangulo, malinaw kasi na hindi umabot ang papeles sa Malakanyang at hindi pinakialaman ni Go ang naturang kontrata.

Iginiit pa ni Pangulong Duterte na noon pa man hindi na niya pinapayagan na gawin sa palasyo ang lagdaan ng anumang transakayon at sa halip ay dapat idiretso na sa mga line agencies.

Babala pa ng pangulo, kahit kaunting alingasngas ng korupsyon, agad niyang sisibakin ang opisyal kahit matalik na kaibigan pa niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...