Ayon kay House Committee on Suffrage and Electoral Reforms chairman Sherwin Tugna, sa ngayon, ang posisyon ng liderato ng kamara ay tuloy pa rin ang pagdaraos ng halalan sa darating na Mayo matapos itong ma-postpone simula noong 2016.
Gayunman, kailangan aniyang mag-usap muli ng kongreso sa kung ano ang magiging pasya sa mga panukalang nagpapatawag sa postponement ng May 2018 elections.
Mayroong dalawang panukala ang nakahain ngayon sa kamara para sa postponement ng Barangay at SK polls.
Sa panukala ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, nais nito na muling ipagpaliban ang naturang halalan upang mabigyan pa ng sapat na panahon ang Commission on Elections (Comelec) na makapaghanda para matiyak ang isang “credible” at “effective na Barangay at SK polls.
Nakasaad naman sa panukala ni ANAC-IP Party-list Rep. Jose Panganiban Jr., dapat isabay na lamang ang pagdaraos ng naturang halalan sa plebesito para sa pagpapalit ng Saligang Batas.