Unang naaresto si Jocelyn Madriaga, 48 taong gulang.
Nasabat mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱1,500.
Depensa ni Madriaga na dala ng kahirapan kaya siya nagtutulak ng droga.
Sumunod namang naaresto si Ariel Esguerra, 42 taong gulang.
Bukod sa anim na sachet ng shabu na mayroong street value na ₱3,500 ay nakumpiska rin ng mga otoridad ang mga drug paraphernalia maging isang digital weighing scale.
Samantala, iginiit ni Esguerra na hinsi siya pusher. Aniya, mayroon lamang nagpabili sa kanya ng shabu.
Kapwa mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.