Ayon kay Empedrad, mas gusto niya ang Tacticos pero nakasaad sa kontrata na ang supplier ang may tanging desisyon kung anong sistema ang ilalagay sa kanilang frigate.
Bago kasi maging hepe ng Philippine Navy ay naglingkod din sa Technical Working Group si Empedrad.
Dati na niyang sinusuportahan ang pagpili sa Tacticos para sa gagamiting CMS, ngunit nagbago ang kaniyang pahayag dahil sa nilalaman ng kontrata.
Paliwanag ni dating project management team leader na si Commodore Sean Villa, ang CMS ang nagsisilbing utak ng mga barko, habang ang kaluluwa at puso nito ang makina para ito ay mapatakbo.
Ang orihinal naman talaga na preference ng Navy para sa CMS ng dalawang barko ay ang Thales Tacticos.
Naakusahan pa ang nasibak na Navy chief na si Vice Adm. Ronald Joseph Mercado sa kaniyang pwesto dahil sa umano’y pagpilit na ang tatak na ito ang gamitin sa kanilang mga barko.
Hindi kasi umano nakamit ng Hanhwa Systems, na piniling supplier ng Hyundai Heavy Industries, ang mga specifications na nakalagay sa kontrata.
Maliban dito, hindi pa masyadong subok ang Hanhwa, kumpara sa Tacticos na ginagamit na ng 23 iba pang mga bansa.