Nagpahayag ng pagkabahala ang kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa proseso ng imbestigasyon na ginawa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga income tax returns (ITR) ng punong mahistrado.
Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, isa sa mga tagapagsalita ni Sereno, hindi sinunod ng BIR ang normal na proseso ng imbestigasyon sapagkat hindi nabigyan ng pagkakataon ng BIR si Sereno na makapagpaliwanag sa sinasabing discrepancies sa ITR nito.
Gayunman, iginiit nito na “non-starter” ang usapin sapagkat madali naman anyang malaman kung nagbayad ng tamang buwis si Sereno.
Sa katunayan mayroon daw silang hawak na mga dokumento na magpapatunay na nabayaran lahat ni Sereno ang mga buwis nito.
Sa pagdinig ng komite binanggit ni BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa na may nakitang silang discrepancies sa ITR ng punong hukom.