Mga hinihinging pabor gamit ang panganan nina SAP Bong Go at Pangulong Duterte dapat ikunsiderang ‘denied’ na

CTTO

Pinaaalalahanan ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang mga senador at iba pang kawani ng gobyerno na agad na i-deny ang anumang request o pabor na hinihiling gamit ang kaniyang pangalan at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Go malinaw ang paalala noon pa ng pangulo na ikunsiderang ‘denied’ ang lahat ng request na ginagamit ang kaniyang pangalan, mga anak o kaanak.

Aminado si Go na libu-libong request o paghingi ng tulong o pabor ang ipinadadala sa text at e-mail.

Sa pagsisimula ng senate hearing, Lunes ng umaga, sinabi ni Go na mahigit 5,000 text messages at 12,000 emails ang kaniyang natanggap na parang humihingi ng tulong.

Ang mga request o liham na talagang may pangangailangan ay hinahanapan umano nila ng kaukulang ahensya ng pamahalaan para direkta silang matulungan.

Pero kung pabor at halatang ginagamit lang ang kanilang pangalan sinabi ni Go na dapat agad itong i-consider na ‘denied’.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...