Sa kaniyang opening statement sa pagharap sa senate hearing, sinabi ni Go na basta na lamang ibinalita ng pahayagang Inquirer at Rappler ang intriga nang hindi inaalam ang katotohanan.
Sinabi pa ni Go na dapat ipatawag ng senado sa susunod sa pagdinig ang mga mamahayag ng dalawang nabanggit na media entity dahil sa aniya’y pagpapakalat ng fake news lalo’t marami na ang nabibiktima sa pekeng balita.
Dagdag ni Go, mahirap sagutin ang bintang na wala naman siyang kinalaman.
Nakalulungkot ayon kay Go na dahil sa kontrobersiya, naantala na ang implementasyon ng proyekto.
Samantala sa nasabing hearing, iginiit ni Sen. Antonio Trillanes IV na hindi totally fake news ang pagkakadawit ng pangalan ni Go sa isyu.
Sa inilabas na audio visual presentation ni Trillanes, ipinakita nito ang kuneksyon ni Go na umano’y nakialam sa kontrata.