Mga miyembro ng NPA na nanambang sa mga tauhan ng SAF sa Antipolo, tinutugis na

File Photo

Tinutugis na ng Philippine National Police (PNP) ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nasa likod ng pananambang sa sa mga tauhan ng Special Action Force (SAF) sa Antipolo City, Rizal noong Linggo ng umaga.

Anim na SAF commandos ang nasugatan sa nasabing pananambang.

Ayon kay Rizal Provincial Police spokesperson Senior Inspector Cherrylyn Agtarap sakay ng police mobile ang walong SAF members na mula sa 33rd Special Action Company 3rd Battalion pabalik sa kanilang tanggapan sa Antipolo City nang sila ay pagbabarilin sa bahagi ng Barangay San Jose.

Dinala sa Antipolo District Hospital at Amang Rodriguez Hospital ang mga nasugatang pulis.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Ronald dela Rosa na naglagay na sila ng checkpoints sa buong Rizal para madakip ang mga nanambang.

Nagpadala na din ng dagdag na tropa ang SAF para tugisin ang mga responsable sa ambush katuwang ang mga tauhan ng Philippine Army sa Rizal.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...