Tinupok ng apoy ang isa sa pinaka-sagradong lugar para sa Tibetan Buddhism.
Sa ulat ng local media sa Tibet, wala namang naitalang nasaktan sa sunog sa Jokhang temple at hindi pa rin tiyak kung gaano kalaki ang naging pinsala.
Ang Jokhang temple ay isang UNESCO World Heritage Site at mahigit 1,300 na taon na.
Napasugod pa sa lugar si Tibet’s Communist Party chief Wu Yingjie para personal na alamin ang sitwasyon.
Matatagpuan sa Jokhang temple ang statue ng isa sa pinaka-kinikilalag icon ng Tibetan Buddhism.
Marami ring cultural artifacts sa templo kabilang ang mahigit 3,000 Buddha images at historical figures.
MOST READ
LATEST STORIES