Inalerto na ng Manila Police District (MPD) ang mga tauhan nito sa isasagawang protest march ng grupong PISTON ngayong araw.
Inaasahan kasi na mula sa Welcome Rotonda sa Quezon City ay magmamartsa ang grupo patungo sa Mendiola.
Maagang nagtalaga ng mga tauhan ng MPD sa Mendiola upang matiyak na magiging mapayapa ang pagkilos.
Sa abiso ng PISTON, ang protesta ay gagawin bilang pagpapakita pa rin ng kanilang pagtutol sa “TAnggal Bulok, Tanggal Usok” campaign ng pamahalaan.
Ayon kay PISTON leader George San Mateo ang kanilang protesta ay dadaluhan ng mga tsuper na apektado ng kampanya ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT).
Maliban sa protesta na gagawin sa Welcome Rotonda sa Quezon City at sa Mendiola, may mga pagkilos ding isasagawa ang mga miyembro nila mula sa Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Bicol, Cagayan De Oro, Davao, at Baguio City.