Presyo ng LPG tumaas

LPG inqNagpatupad ng dagdag presyo sa Liquefied Petroleum gas (LPG) ang kumpanyang Petron.

Sa abiso ng Petron, epektibo alas 6:00 ng umaga kanina (Huwebes), nagdagdag sila ng P1.65 sa presyo ng kada kilo ng LPG.

Katumbas ito ng dagdag na P18.15 sa presyo ng kada 11-kilogram cylinder na LPG.

Nagpatupad din ng dagdag presyo ang Petron sa kanilang AutoLPG.

Ayon sa Petron P0.95 sa kada litro ng AutoLPG ang kanilang ipinatupad ngayong araw.

Read more...