Kailangan natin yan para magawa ang gusto natin at kailangang gawin sa araw-araw. Kaya nga patok na patok ang Kalye Serye ng Eat Bulaga, na kahit sinasabing kababawan, ang lakas naman maka-good vibes. Do you agree?
Importante na aktibo ang ating “happy hormones” para ma-achieve ang dapat ma-achieve.
Sa isang lathalain ng Health.com, hindi lamang sa isip nag-uumpisa ang magandang mood ng tao kundi maging sa ating lifestyle. Aakalain mo ba na yang simpleng paglakad pala natin ay may epekto sa ating mood.
Don’t slouch when walking. Kung ano daw ang nararamdaman natin ay nakaka-apekto sa ating paglalakad, siyempre – pag-malungkot ka – parang tinatamad kang maglakad o kaya naman ay nakayuko. Mali pala yan. Para daw laging in good mood, kailangan daw na straight body, chin-up at i-swing ang kamay para gumanda ang pakiramdam.
Social media queen. Selfie doon, selfie dito. Picture doon at picture kung saan-saan pa, alam nyo ba na may epekto pala yan sa ating mood. Sa isang artikulo ng Psychological Science Journal, sinasabing ang pagkuha ng picture ng kung ano-ano lang ay maaaring makasira ng mood ng isang tao. Sa halip, kung magpipicture daw tayo at ipo-post sa social media – mas mainam na mag focus daw sa magagandang subject o kaya ay sa magagandang view kaysa mag-effort sa mga bagay na wala namang katuturan kalaunan. Okey lang daw ang isang selfie sa isang araw pero higit sa tatlo ay maituturing nang “mental disorder.”
Regular exercise. Napatunayan sa pag-aaral na ang mga taong bihirang mag-exercise o magpa-pawis, o kaya naman ay gumalaw-galaw lang pag may time – siya daw yung madaling ma-depress. Hindi naman kailangan na effort kung effort ang pagpapa-pawis – 30 minutes a daw na exercise ay keri na. O kaya mag-ayos-ayos ng bahay, ng kuwarto, ng mga halaman sa inyong garden – okey na yan basta galaw-galaw lang.
Don’t take life too seriously. Gaya ng kasabihan, laughter is the best medicine. Hindi naman daw makakasama kung palagi tayong tumatawa at nag-aaliw sa mga palabas sa tv, o sine o kung anumang nakakatawa. Sa ganitong paraan daw kasi, mas mapapagaan ang anumang gawain, problema at stress. Pero siyempre, ilugar ang pagiging seryoso at ang pagbibiro.
Avoid multi-tasking. Ang sabi nga nila, huwag mong pasanin ang lahat ng problema sa mundo. Marami kasi sa atin e ginagawa ang lahat sa loob ng isang araw pero hindi naman kaya. Kung maaari namang ipag-pabukas ang isang bagay, bakit kailangang madaliin.
Maraming bagay ang dumadating sa ating buhay lalo na yung hindi naman natin kontrolado. Pero kung alam natin kung paano ito haharapin, makakayanan at makakatawid din. Keri lang.
Pakinggan ang Balita Nueve Nuventa (Mon-Fri 5:00-6:00am), Tinig ng mga Eksperto at Warrior Angel tuwing Sabado.