MRT maagang nagka-aberya, hindi agad nakapagpa-biyahe ng mga tren

Sa pagsisimula pa lamang ng biyahe ng Metro Rail Transit (MRT), agad nakaranas ng aberya ang mga pasahero.

Sa inilabas na incident report ng DOTr MRT-3, pasado alas 5:00 na ng umaga ay wala pang na-dispatched na mga tren.

Ito ay dahil sa power supply failure na naranasan sa bahagi ng North Avenue station hanggang Kamuning.

Napilitan tuloy ang mga pasahero na bumaba at mag-abang na lang ng masasakyang bus sa EDSA.

Kadalasan ay bago mag alas 5:30 ng umaga, may bumibiyahe ng tren ng MRT.

Tiniyak naman ng MRT na agad na ginawan ng paraan ng kanilang mga tauhan ang problema sa power supply.

Pagsapit ng alas 6:15 ng umaga, sinabi ng MRT na naibalik na sa normal ang kanilang power supply at pitong tren ang agad inihanda para makabiyahe.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...