Ito ang pahayag ni ACT Party List Rep. Antonio Tinio kaugnay sa resulta ng imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa DAP.
Ayon kay Tinio, tamang inimbestigahan, kasuhan at panagutin si Budget Sec. Butch Abad, dapat ay hindi inabswelto ng Ombudsman si Pangulong Aquino.
Igniit ni Tinio na bilang Pangulo, si PNoy lamang ang may kapangyarihang magpahintulot ng paglipat ng pondo sa pamamagitan ng DAP.
Dismayado si Tinio na palagi na lamang naaabuso ni Pangulong Aquino ang immunity nito para makaiwas sa pananagutan.
Sa findings ng Field Investigation Office ng Ombudsman, tanging sina Abad at Undersecretary Mario Relampagos ang sasailalim sa preliminary investigation para sa technical malversation at administrative charges.