WATCH: ‘Bangga-sagasa modus’ gamit ang taho, sapul sa CCTV

 

Isa na namang panibagong insidente ng kunwaring pagpapasagasa ang muling nakunan ng lente ng CCTV.

Trending ngayon sa Facebook ang post ng isang Lea Chua kung saan makikita ang isang lalaki na umano’y magtataho at nag-aabang ng mabibiktima.

Makikita sa kuha ng CCTV na nag-aabang ang lalaki ng sasakyan na bibiktimahin.

Ilang sandali pa ay nagkunwari na ang magtataho na nabangga ng isang puting sasakyan dahilan para matapon ang kanyang nilalakong taho at mapahiga sa kalsada at magkunwaring nasagasaan.

Kamakailan ay isang kaparehong insidente ang nakunan din ng video na kinasasangkutan din ng tila magtataho ngunit wala namang laman ang kanyang lalagyan nang magkunwaring nasagasaan.

Sa ngayon, ang post ni Chua ay mayroon ng higit 750,000 views at 8,800 shares.

 

Read more...