Construction worker, patay sa pamamaril sa Malabon

 

Patay ang isang construction worker matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek sa Longos, Malabon City.

Kinilala ang biktima na si Dionisio Montorio.

Ayon mismo sa kaniyang kapatid, dati nang nasangkot sa iligal na droga si Montorio at nagtago sa Aparri dahil sa paglulunsad ng Oplan Tokhang.

Matapos magtago ay nagtrabaho naman ito sa Malabon City bilang construction worker.

Ayon pa sa kapatid, may trabaho sana sina Montorio kahapon ngunit sa kasamaang palad ay nangyari na ang insidente umaga pa lang.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad kung sino ang salarin, at kung may kinalaman ba ang pagpatay sa kaniya sa mga dati niyang gawaing may kaugnayan sa iligal na droga.

Read more...