Nagtapos sa ika-70 pwesto si Miller sa Alpine skiing event Linggo ng umaga.
Sa kanyang unang pagtakbo ay naitala niya ang running time na 1:27.52 na nagluklok sa kanya sa ika-81 pwesto.
Gayunman, lumusong ng 11 pwesto si Miller matapos ang kanyang second run na kanyang nakumpleto sa running time na 1:22.43.
Dahil dito, naitala niya ang combined time na 2:49.95 na ika-70 sa 110 na lumaban sa dibisyon.
Si Marcel Hirscher ng Austria ang nagkamit ng gintong medalya matapos itala ang running time na 2:18.04.
Ang 17-anyos na si Miller ay tubong Oregon.
Itinuturing niyang ‘most memorable achievement’ ang pagkakabilang sa Winter Olympics.
Nauna nang lumaban para sa men’s skating event ng palaro ang isa pang pambato ng Pilipinas na si Michael Martinez.