3 bansa, may alok na 1,000 trabaho para sa mga Pinoy- POEA

 

May alok na higit 1,000 trabaho para sa mga manggagawang Pinoy ang tatlong bansa.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), higit 1,000 trabaho ang binuksan ng Taiwan, Germany at Saudi Arabia para sa mga pinoy workers sa ilalim ng isang government to government program.

Ayon sa ahensya, nangangailangan ang Ministry of Health ng Saudi ng 500 female specialist nurses para sa neonatal intensive care unit, coronary care unit, intensive care unit, nursery, emergency room, surgical wards at obstetrics and gynecology.

Ang I-Mei Foods Co, Ltd., Formosa Taffeta Co., Ltd, NXP Semicondoctos Taiwan Ltd, na mga kumpanya mula Taiwan ay nangangailangan naman ng higit 100 manggagawa kabilang ang male technicians, male refrigeration and air conditioning maintenance workers, machine operators at iba pa.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, marami pang kumpanya sa Taiwan ang nangangailangan din ng factory workers.

Samantala, nangangailangan din ng mga nurse ang bansang Germany.

Lahat ng kwalipikadong aplikante ay kailangan lamang mag-register online sa www.poea.gov.ph o www.eregister.poea.gov.ph ayon kay Olalia.

Read more...