US Navy, hindi natitinag sa military buildup ng China

 

Hindi mapipigilan ng mga artificial islands ng China ang paglilibot ng puwersa ng Amerika sa South China Sea.

Ayon kay Lt. Commander Tim Hawkins sa panayam ng Associated Press, matagal nang ginagawa ng US Navy ang pagpapatrulya sa ‘international waters’ upang matiyak ang seguridad at ang maayos na kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Asya at Amerika.

Sa ilalim aniya ng ‘international law’ ay malinaw na maari nilang isagawa ang paglilibot sa naturang lugar.

Handa aniya ang USS Carl Vinzon na magsagawa ng iba’t ibang uri ng operasyon at kung kinakailangan ay maari rin silang magsagawa ng humanitarian assistance at disaster relief.

Ang USS Carl Vinzon ay naka-angkla sa Manila Bay bilang bahagi sa pagbisita nito sa bansa.

Bago dumating sa Pilipinas, nagsagawa muna ng pagpapatrulya ang Carl Vinzon sa South China Sea ngunit hindi naglunsad ng freedom of navigation operation.

Matatandaang noon pa man ay inihayag na ng Amerika na magpapatuloy ang kanilang paglalayag sa karagatan na malapit sa mga man-made islands ng China bilang bahagi ng freedom of navigation sa naturang lugar.

Read more...