Ang nasabing mosyon ay inihain ni Gomez upang pigilan ang kautusan ng COMELEC na magsagawa ng recall elections sa San Juan City.
Ito ang naunang inilabas na desisyon ng COMELEC matapos manawagan ng recall elections ang hindi bababa sa 30,000 na residente ng San Juan City na lumagda sa patisyon.
Nagpasalamat naman si Zamora kay COMELEC spokesman James Jimenez dahil sa pagtitiyak aniya nito na walang magaganap na pagpapa-antala sa recall process.
Idineklara naman kasi aniya ng COMELEC en banc na sufficient in form and substance ang naturang petisyon, ngunit nagsampa nga lang ng motion for reconsideration si Gomez.
Matatandaang natalo ni Gomez si Zamora sa nagdaang halalan sa pamamagitan lamang ng 200 na boto.
Gayunman, nababahala si Zamora dahil ang recall ay dapat maganap isang taon bago ang halalan sa susunod na May 11, 2019 elections.
Ilang buwan na lamang aniya bago ang May 11 at marami pang dapat asikasuhin ngunit nauubusan na sila ng oras dahil wala pang desisyon sa mosyon ni Gomez.
Sakali kasing hindi tanggapin ang mosyon, kailangan pang beripikahin ang 30,000 na pirma sa nasabing petisyon.