Napatay naman ng mga alagad ng batas ang hindi pa nakikilalang gunman matapos itong makipagsabayan ng putok sa mga rumespondeng otoridad.
Naganap ang pamamaril sa harapan ng Christian church sa kapitolyo ng Republic of Dagestan, sa bayan ng Kizlyar.
Palabas na ng simbahan ang mga tao matapos dumalo sa misa bilang paggunita sa panahon ng Kuwaresma nang biglang silang pagbabarilin ng gunman gamit ang hunting rifle.
Nagawa namang makaresponde agad ng mga security forces kaya’t agad na nagtangkang tumakas ngunit napatay rin ito ng mga otoridad.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga alagad ng batas upang matukoy kung may mga kasamahan pa ang salarin na hinihinalang nasa 20-anyos pa lamang ang edad.