Sa isinagawang Global Driver Satisfaction Index (GDSI) ng traffic at navigation application na ‘Waze’ ang ‘worst city traffic’ ay mararanasan sa Metro Manila.
Ang resulta ng isinagawang GDSI ay nakuha sa isinagawang pagsusuri ng Waze sa driving experience ng kanilang 50 million users sa 32 bansa 167 metro areas sa buong mundo.
Kabilang sa mga pinagbatayan sa pagkuha ng GDSI ay ang mga sumusunod:
• Madalas at tindi ng pagsisikip ng daloy ng trapiko
• Kalidad ng kalsada at mga infrastructure
• Kaligtasan ng mga motorista, road hazards at panahon
• Serbisyo sa mga motorista gaya ng madaling access sa mga gas stations at mga paradahan
• Socio-economic kabilang ang access sa mga sasakyan at epekto ng presyo ng produktong petrolyo
• At ang “Wazeyness” o ang level ng kasiyahan ng Waze members
Bawat bansa o metro area ay binigyan ng score mula 1 hanggang 10 kung saan ang 1 ay may katumbas na “miserable” at ang 10 ay “satisfying”.
Ayon sa Waze, sa City level, lumitaw na ang Metro Manila ay nayroong ‘worst traffic’ dahil sa mababang 0.4 na score na nakuha nito.
Lumitaw din sa sa pag-aaral na kapag nag-commute sa Metro manila, aabot sa 45.5 minutes ang travel time, na pinakamabaha kumpara sa labingwalo pang metro cities sa mundo kabilang ang London, Jakarta at New York City.
Sa National level naman, Pilipinas pa rin ang ‘worst country’ kung ang pag-uusapan ay ang sitwasyon ng traffic at isa sa pinakamalala ang sitwasyon base sa Wazeyness index.
Naging maganda naman ang ranking ng bansa kung ang pag-uusapan ay ang safety at serbisyon sa mga motorist dahil napabilang ang Pilipinas sa mga nakakuha ng magandang marka.