Tropical Depression ‘Kabayan’ nasa PAR na, Signal #1 itinaas sa 6 na lalawigan

12064368_10153501663069792_668810287_n (1)Nabuo na bilang isang tropical depression ang Low Pressure Area na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang nasabing bagyo ay pinangalanang ‘Kabayan’ at huling namataan sa 75 kilometers east ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyong Kabayan ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers kada oras malapit sa gitna. Kumikilos ito sa direksyon West Northwest sa bilis na 19 kilometers kada oras.

Dahil dito, itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 1 sa Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Aurora at Northern Quezon kabilang ang Polillo Island.

Ayon kay PAGASA weather forecaster, nasa dagat pa ang mata ng bagyo kaya maaring lumakas pa ito.

Mararanasan ang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Bicol region, Isabela, Aurora, Quezon , Northern Palawan at Panay Island.Bukas ng umaga inaasahang nasa bahagi ng lalawigan ng Aurora ang bagyong Kabayan at maaring sa linggo ng umaga pa lumabas ng bansa.

Read more...