Ayala Bridge, binuksan para sa mga light vehicles

ayala1Matapos ang ipinatupad na total closure sa loob ng apat na araw, binuksan ngayong araw ang dalawang linya ng Ayala Bridge sa Maynila para sa mga motorista.

Gayunman, ang tig-isang linya sa magkabilang bahagi ng Ayala Bridge ay para lamang sa mga light vehicles at hindi pa rin papayagang dumaan ang malalaking sasakyan.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa November 1 pa inaasahan na mabubuksan ng buo ang tulay at mapapayagan ang pagdaan ng mga malalaking sasakyan na may bigat na aabot sa 20 tonnes.

Inaasahan din ng DPWH na fully rehabilitated na ang tulay para sa Asia-Pacific Economic (APEC) Summit sa susunod na buwan.

Noong buwan ng Marso hanggang Hulyo ay napatupad na rin ng total closure sa nasabing tulay dahil sumailalim ito sa rehabilitation.

Read more...