Nagdulot ng pagkawala ng suplay ng kuyente ng milyon-milyong tahanan at business establishments ang lindol.
Tumagal ang pagyanig ng 30 segundo hanggang isang minuto at naitala ang aftershocks.
Naitala rin ang pagkasira ng ilang mga buildings sa Mexico City at Oaxaca State
Tinitiyak naman ng embahada na patuloy nitong babantayan ang sitwasyon ng mga miyembro ng Filipino community sa nasabing bansa at sisiguruhin ang kanilang kaligtasan.
Samantala, 13 na ang naitalang patay habang 15 ang sugatan matapos bumagsak ang isang military helicopter na nagsasagawa ng search and survey operations.
Kabilang sa mga lulan ng helicopter ay sina Mexico Interior Minister Alfonso Navarrete at Oaxaca State Governor Alejandro Murat na parehong nagtamo ng seryosong injuries.