Ito ay matapos magsinungaling si Salinas tungkol sa halaga ng perang dala nito sa kanyang bag nang magsagawa ng inspeksyon ang mga awtoridad sa jet na sinasakyan nito kasama si Quiboloy.
Ayon sa mga opisyal ng US Department of Homeland Security, iniabot ni Salinas ang currency report form sa mga inspektor kung saan idineklara niyang mayroon siyang dalang $40,000 at P1,000.
Gayunman, nang buksan na ng mga opisyal ang bag nito ay natagpuan ang 335,000 US dollars at 9,000 Australian dollars na nakasilid sa mga medyas.
Sa ilalim ng batas sa naturang bansa, kailangang ideklara ng mga travelers ang perang nagkakahalaga ng $10,000 pataas.
Sakaling mahatulang guilty, maaaring makulong ng hanggang sa limang taon si Salinas at bawian ng kanyang pera at ari-arian.
Pansamantalang nakalaya si Salinas matapos magpyansa ng $25,000.
Nauna nang napaulat na naaresto rin si Quiboloy ngunit mariing itinanggi ng tagapagsalita nitong si Israelito Torreon.
Nakatakdang magsagawa ng ‘Thaksgiving Worship Program’ ang religious leader sa Ynares Center sa Antipolo ngayong hapon.