Rufa Mae at asawa, ipinagdiwang ang unang kaarawan at binyag ni Baby Athena

Masayang ibinahagi sa Instagram ng first time mom at comedian na si Ruffa Mae Quinto ang naganap na selebrasyon ng unang kaarawan at binyag ng kanyang anak na si baby Athena.

Naganap ang binyag ni baby Athena sa Sancturario de San Antonio Parish sa Makati habang ang reception ay isinagawa sa Residence sa Greenbelt.

Sa mga larawan makikita ang pagdalo ng ilan sa mga kasamahan sa indutrisya ni Ruffa Mae.

Kabilang sa mga dumalo ay ang mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla at sina Iza Calzado at Vina Morales.

Read more...